Bahay
By: Herbert Curia
GARY GRANADA - BAHAY
Powered by mp3skull.com
Dito ko naiisip ang mga bagay na ito at aking napagtanto ng mabalitaan ko ang isang demolisyon sa lunsod ng Maynila. Akoy nahabag at naawa sa kinasapitan ng mga taong ito na naging busabos at tinataboy sa sariling bansa at lupain o lupang sinilangan. Hamak at kaawawa mga nilalang na sumapit ng ganitong mga kalagayan….
Bahay
iyan ay isang awitin ng isang magaling na kompositor na sa kanyang awitin ay
hinango nya ito sa kanyang mga pakikisalamuha upang patunayan na ang barong
barong ay isang bahay…..nakaka-luha ang kantang ito pag iyong narinig at kung
iyong iisipin ang itsura at sinasapit ng may ganitong pamumuhay at ikaw ay
magtatanong lalot hindi mo pa nararanasan at makisaluha sa ganitong buhay….
Isang
araw ng aking mabasa sa isang pahayagan ang isang istorya ng demolisyon kung
saan ay marami ang pinapalayas at inaaboy ng gobyerno mula sa lupang
kinatitirikan nila sa kadahilanang itoy hindi sa kanila at ang ating gobyerno’y
nangangatwiran ng pagunlad at pagsasaayos, subalit datapwat di ba sila rin
dapat ang tagapagtanggol ng mga taong ito lalo na’t inaapi sa lipunan at
ginagawan ng masama. Animoy mga
kriminal ang mga dinedemolisyon na squatter kung ating tawagin at dun natin
makikita ang ibat ibang klase ng bahay, ang sinasabi sa awitin at kung ano-ano
pa….
Squatters
area, ibat ibang klase ng istrukturang may masilungan man lamang sa ibat ibang
parte ng kamaynilaan at maging sa probinsya man, andyan ang barong barong na
pinagtagpi tagping basura at karton, mga bubungan na di mo mawari at gewang
gewang na haligi na kapag bumuhos ang
ulan ay siguradong ang mga anak mo’y lalagnatin at sisipunin sa ginaw at
kasamaang palad ay mapupulmonya pa at ikamatay nito at ito ang bahay na ating
sinasabi na nakatirik sa squatters.
Ito
ba ang pamumuhay ng isang pinoy, iyan ang masaklap nating pamumuhay sa bansang
ito ang mabilang sa ganyang pamumuhay ang iba'y umaasa sa tawid kapamilya
program upang may makain ang pamilya at makapag-aral ang mga anak. Hirap sa buhay, walang matibay na bahay idedemolished
ka pa, ganyan kasaklap ang buhay sa bansang ito….
Nasaan
ang Gobyerno habang kumakain kayo ng anak mo sa isang barong barong na
pinagtagpi tagpi halos tumulo ang luha mo sa kakulangan sa pagkain ng mga anak
mo na may sakit pa sa hindi maibigay na trabaho ng gobyerno at sapat na kita sa
mga hindi edukadong mga maralita pagkatapos habang ikay naluluha at hinahanap
ang kalinga ng gobyernong may pagasa pa ay biglang may wawasak sayong pintuan
at pagtatadyakan ito me tamaan man o wala at ng iyong mabanaagan ang tinig ng mga
ito na tiga gobyero pala, at isa na pala itong demolishment kay pait ng buhay ang
gobyernong ating sasandalan ay siya pang sisila sa ating kahirapan.
Anong
puso at kaisipan mayroon ang mga opisyal ng gobyernong ito upang gawin ang mga
ganitong hakbang….Saan at Ano ang Problema bakit hindi masulusyonan ang pabahay
na problema ng lipunang Pilipino. Ayon nga sa kanta “samantalang sa isang
mansion ay walang nakatira” at pawang ito ngay totoo sa isang balita na
aking nakalap na isang opisyal ng gobyerno ang nagmamayari ng maraming property
na kasalukuyang nililitis at isang dating opisyal na nagmamayari ng mansion na
ganito din ang sinapit ay halos amagin at mabulok na ang ang kanyang mansion ay
parang bale wala lang sa dami ng pera ng mga ito.
Bakit ang mga opsiyal ng gobyerno ay may naglalakihang mansion
samantalang napakaraming squatters ang nangangailangan ng matinong
pabahay….
Ano
mayroon ang trabaho sa pilipinas at kabuhayan at may Mansion at may barong
barong. Ang matalino ba? at swerte sa negosyo
ay siyang may mansion? at yung bobo at malas ang nasa squatters? Anong sistema
ng gobyerno ang dapat upang maging pantay sa ganito o upang hindi magkaroon ng
mga umusbong na squatters o unemployed o walang kabuhayan….May naging mabuti na
bang sistema at pamamahala ang gobyerno upang ang pilipino ay magkaroon ng
progreso ang pamumuhay. Mulat simula'y wala at palaging simula ang katwiran ng
gobyerno palaging walang pera o budget para duon at para dito para ke pedro o
ke petra.…Subalit ang mga opisyal ng gobyerno ay nabibilaukan sa pagkakabusog sa
pagkain at nagta-tumbling ng kanilang mga "kabit" sa kanilang mga mansion.
Pa-Bahay
ito ang sigaw ng maralitang tagalungsod at gayundin sa ibat ibang
kapuluan. Anong klaseng kabobohan
mayroon ang ating gobyerno at usapin lang ng pabahay ay inuugatan pa sila. Pa-Bahay
at trabaho iyan ang isang malaking problema ng gobyerno na ibibigay sa
tao. Anong sistema upang makamtan ang
equation ng pamumuhay na ito.
Demolisyon
ang naging tugon ng Gobyerno sa mga squatters at halos walang pagkakitaan na
walang sariling lupa. Bahay, Bahay at
lupa at trabaho iyan ang ibigay ng gobyerno hindi demolisyon at pangaapi at
pagwasak ng dignidad ng mga dukhang ito.
Karapatan, karapatan para sa lahat, karapatan para sa maayos na pagkain,
tirahan at damit at higit na nangangailangan ng karapatang ito ang mga maralita
naghihirap sa sariling bansa samantalang ang mga dayuhan ay nagpapasasa sa
ating yaman hindi lang yaman pati ang puri ng mahihirap ay kanilang
pinagpapasasaan kung saan ay kinasasadlakan ng mahihirap.
Habag
at Puso naman ay kailangan pang ipanawagan upang karapatan ay ipatupad at
ipamahala. Kay hirap mabuhay sa Bansang
Pilipinas lalot namulat ka sa mundo ng squatters.
Bahay
ang hirap mamulat ng walang bahay at sa tagpi tagping basura duon tayo namulat
hindi lamang sa may sitwasyon nito kundi sa ating bansang ito na may ganitong
bahay, Bahay para sa walang Bahay, ibigay ang karapatan hindi pangaapi at
pagdusta sa kahirapan, ang buhay ay bilog minsan ay nasa itaas at minsan ay nasa
ibaba minsan ay makapangyarihan ka minsan ay aping api ka, maging parehas tayo
kahit saan mang oras..….
Ayon
sa Senador na nasa awitin Talagang bahay nga raw iyon na pinagtagpi tagping
basura at karton, Sanay madinig ng mga Bantog na Senador ang awiting iyon at mensaheng
ito at sa kanilang mga batas ay maisip nilang lahat ng Pilipino ay hindi na
tumira pa sa barong barong o squatters. Madaling
ipasa kung gagawin bastat isipin na lamang nila ang awiting iyon at mga
demolisyon…..
End…..
By:
Herbert Curia
Stories of Poverty and Remedies